Akala ko lang Pala
Sa unang araw ay kaysaya
Magaang loob ay nadama
Mga kaibigan ay nakilala
Araw ko'y puno ng ligaya
Maraming oras ang lumipas
Mga kulitang dumadalas
Kaibigan ka bang tunay?
dahil ikaw ay parte na nang buhay.
Meron mang-iba'y nang-aalipusta at nang-aapi
Pero ika'y laging may magandang tangi
Di ko marinig ang pagsabing -- alam muna,
dahil ikaw ay tunay na taong may pag-unawa.
Habang tumatagal,damdamin ay umiiba
di masabi itong nadama
pagka't ito'y isang sumpa
mabuting nang itago at ipagsawalang-bahala
Isang araw ay nag-iba ang ikot at ito'y di na makaya,
nadamang kakaiba lalong lumalala
nakita ko na lang, bawal pala
Salamat sa Diyos at ako'y napahinuha.
Akala ko lang pala'y hindi siya manghuhusga
Akala ko lang pala , Tunay siya
Akala ko lang pala siya'y may pag-unawa
Akala ko lang pala'y pag-ibig at kaibigan ka.
Salamat sa lahat,sa pagiging mabait at pag-uunawa
Salamat kung ika'y makabasa.
Akala ko lang pala at ako'y Masaya
Kahit ganyan ka, may pagpapahalaga at pagmamahal naman pala
Akala ko lang pala.
katha ni RUELDG
No comments:
Post a Comment
Thank you for your comment!